Chapter Thirty Seven

1.8K 37 1
                                    

Kasalukuyan akong nagda drive ngayon papunta sa address na ibinigay ni Keith. Mag isa lang ako sa sasakyan ngayon dahil na rin sa napag usapang plano.

Tututol na sana si Zac ngunit nang makitang desidido ako sa gagawin ay hindi na siya umimik pa. Alam kong kinailangan kong bumawi sa kanya dahil sa mga binitawang salita kaya sisiguraduhin kong pagkatapos nito, kapag nakuha ko na ang anak namin ay babawi ako sa kanya.

Normal parin naman ang trato niya sa akin kanina ngunit nakikita kong may mga pagkakataong natutulala siya. Pagkatapos ay titingin sa akin at bibigyan ako ng ngiti. Ngiting hindi umaabot sa mata niya.

Bumuntong hininga ako dahil doon. I checked the rearview mirror and saw that they are just behind me. Ilang kilometro ang layo nila upang hindi mahalata na kasama ko sila.

Nakikita ko rin ang sasakyan ni Zac sa likod. Hindi ko makalimutan kung gaano ka higpit ang yakap niya sa akin kanina. Alam ko namang nag aalala din siya kay Persephone at sobrang guilty ko sa mga sinabi ko sa kanya kanina.

Sa pagkakakilala ko kay Keith ay hindi naman siya bayolenteng tao. Ngunit ang sabi ng mga pulis ay huwag daw maging kampante dahil kilalang tao si Keith. Madaming tauhan.

Ang plano ay kunwaring pupunta ako sa ibinigay na address ni Keith at papaniwalaing mag isa lang akong pumunta. Ayokong idaan ang lahat sa dahas kaya kung kaya ko siyang makausap ay gagawin ko iyon.

Kung hindi siya naaawa sa bata bilang ama niya ay sana naman maawa siya sa bata kahit hindi niya kilalanin. Ang totoo niyan ay kinakabahan talaga ako sa mangyayari ngunit ang gusto ko lang ay maiuwi ko nang ligtas ang anak ko. Di bale nang ako ang masaktan. Hindi ko rin maisip kung anong nararamdaman ng anak ko ngayon.

Bumalik na naman iyong lakas ng dibdib ko pati iyong galit ngunit pinipigilan ko ang aking emosyon dahil alam kong hindi siya makakatulong sa sitwasyon.

Lord, please sana okay lang po ang anak ko.

I stopped the car when I saw that I am on the address that Keith gave me. Hindi muna ako bumaba ng kotse at inilibot ang mata sa kabuuan sa labas. Kinilabutan ako dahil sa dilim ng paligid at tanging ilaw galing sa isang poste ang nagsisilbing ilaw sa labas.

Masyadong matalahib ang daanan patungo sa nag iisang building sa lugar na ito. Palakas nang palakas ang kabog sa dibdib ko. Nanginginig na kinuyom ko ang aking kamao. Isang beses ko pang sinulyapan ang sasakyan na nasa likod ko. Ilang beses akong huminga ng malalim bago naisipang bumaba. Ngunit naudlot iyon dahil sa tawag na natanggap. It's Zac. My heart skipped a beat just by seeing his name on my phone.

"H-hello." I said in a small voice.

Isang katahimikan ang dumaan bago siya nagsalita.

"Please, take care. I love you."

Sabi niya na mas nagpadagdag sa emosyon ko.

"I-I will. A-And I'm sorry."

Rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

"When all of this is done, can we meet my mom?"

"O-of course!" Tumango ako na para bang nakikita niya ako.

"Don't be scared. I will do everything to protect you and our daughter. Just think that I am here, behind you all the time."

Hindi ko na napigilan pa ang luha kong biglang tumulo dahil sa sinabi niya. Please love, hayaan mo akong bumawi pagkatapos ng lahat ng ito. Hayaan mong iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal.

Pagkatapos ng tawag na iyon ay kaagad kong pinahiran ang luha ko. Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago kumalma ngunit ang kaba ay nandito parin.

Hindi na ako nag abalang mag padala ng mensahe kay Keith. Sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob upang bumaba.

Ramdam ko ang lamig ng paligid dahil sa hangin na siyang dahilan ng pagsasayaw ng mga talahib at dahon ng mga puno. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kung saan naroroon ang nag iisang building na alam kong kinaroroonan ng anak ko.

Habang papalapit sa loob ay unti unting lumalakas ang kabog sa dibdib ko. Bago pa man ako nakapasok ay ganoon nalang ang gulat at takot ko nang may dalawang lalaking biglang lumabas at sumalubong sa akin.

"Kayo ho ba si ma'am Olympia?" Tanong ng isa sa kanila. Hindi kaagad ako nakasagot at saglit na pinasadahan siya ng tingin. Ganoon nalang ang pagsinghap ko nang makita ang baril na nakalagay sa bewang niya.

"Y-yes." Maikling sagot ko sabay tango.

"Pasok." Sagot naman noong isa at nagpatiuna sa paglalakad upang igiya ako kung nasaan ang amo niya.

Ang isa ay nasa likuran ko na nagbabantay na akala mo ay makakatakas pa ako. Anong laban ko sa kanilang dalawa. Kahit wala silang baril ay hindi ko parin sila kaya.

Tahimik akong naglalakad habang inilibot ang tingin sa dinadaanan. Kung gaano ka hindi kaganda ang hitsura sa labas ay salungat ito sa hitsura sa loob. Maayos ang building...parang isang bahay na hindi tinapos..ngunit malinis.

Mukhang nakakatakot sa labas ngunit kabaliktaran sa loob. May nadaanan kaming grupo ng mga tauhan ni Keith na naglalaro ng tongits sa loob. Rinig ko ang sipol ng iba sa kanila. Ang iba naman ay may kakaibang ngisi at tingin na siyang nagpapailang sa akin.

"Sinong nagbabantay sa labas?" Tanong ng tauhan na nasa unahan ko.

"Marami. Nandoon sila ni Danny kaya kumalma ka." Nakangising sagot noong lalaking may sigarilyo sa bibig habang may hawak na baraha.

"Ganda niyan ah, baka pwedeng patikim rin kami." Sabi pa noong isang kasama nila sa mesa. Kahit kinakabahan ay biglang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi ng gagong ito. Nasusuka ako sa pagmumukha nilang akala mo ay hinuhubaran ako sa tingin.

"Subukan mo nang mapugutan ka ng ulo ni boss." Nakangising sagot naman ng lalaki sa likod ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Huminto kami sa isang kwarto at nilingon ako noong lalaking gumiya sa akin papunta dito.

"Pumasok ka diyan. Nandiyan si boss."

"I-Iyong b-bata. N-Nandiyan rin ba?" Kinakabahang tanong ko ngunit ngumisi lang siya kaya ganoon nalang ang kaba ko.

Nagdadalawang isip akong pumasok pero dahan dahan kong hinawakan ang door knob at unti unting binuksan ang pinto.

Hindi kaagad ako pumasok at inilibot ang mga mata sa loob ngunit ganoon nalang ang pagtalon ng puso ko nang makita ang anak ko sa kama at mahimbing na natutulog!

A woman's dream Where stories live. Discover now