Chapter Eighteen

1.6K 48 4
                                    

Unedited! Sorry in advance sa errors!

Enjoy reading!

**************

"Good evening ma'am, sir. I'm Zacreus Montezori po." Magalang na sabi niya sabay lahad ng kanyang libreng kamay sa mga magulang ko upang makipag shake hands.

Tinanggap naman ni Papa ang kamay niya at pagkatapos ay si mama naman ang kinamayan niya ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang hindi tinanggap ni mama ang pakikipag kamay ni Zac at sa halip ay bineso niya ito.

"Uncle Zac, here!." Tawag ni Persephone kay Zac na gustong pa upuin sa tabi niya.

He smiled and went to my daughter, but before he sat down, he also pulled the chair on the other side of my daughter. He looked at me and signaled to sit on that chair.

Kaya ang position namin sa mesa ay si papa ang nasa gitna, sa kanan niya naman si mama at kaming tatlo sa kaliwang bahagi ng mesa.

When we are settled, my mom asked my daughter to lead the prayer. We closed our eyes for the prayer.

"Papa Jesus, thank you for the food today. Thank you for my mommyla and grand dad especially my pretty mommy. I hope you also give us food everyday. Please don't forget my toys din po Papa Jesus." Sabi ng anak ko. Binuka ko ang aking isang mata at nakita kong magkasiklop pa ang dalawa niyang mga kamay.

I closed my eyes again and smiled with what she said. I want to bite her for being so cute.

"And also, thank you for letting uncle Zac to come to our house and eat with us. I hope he will come everyday. Thank you po papa Jesus. Amen."

"Amen." Sabay sabay naming sabi at sabay sabay din kaming nagbuka ng mga mata ma may mga ngiti sa labi.

Nagsimula na kaming kumain at aasikasuhin ko na sana ang pagkain ng anak ko ngunit naunahan ako ni Zac.

"What do you want to eat?" Tanong niya pa sa anak ko. Bibo namang tumuro ng pagkain at ulam ang anak ko na animo'y gustong gusto ang pag aasikaso sa kanya ni Zac.

Tiningnan ko ang aking mga magulang at nakitang nakangiti ang mga ito na tila nagustuhan ang ginagawa ni Zac kaya naging kalmado na rin ako.

Patuloy kaming kumakain at maya maya ay nagtatanong na ang mga magulang ko kay Zac. Kung anong pinagkakaabalahan niya at kung ano anu pang mga tanong.

Hindi pa naman seryoso ang tanong kaya kampante na rin ako. Siguro kasi nandito pa si Persephone kasama namin. Matalino ang anak ko at madaling makaintindi kaya hangga't maari ay iniiwasan kong makarinig siya ng mga ganitong klaseng pag uusap.

Maya maya ay natapos na rin sa pagkain ang lahat. Pinakuha ko na kay yaya Fely si Persephone at kami naman ay dumiretso sa may gilid ng pool at doon nagpa baba ng kinain habang umiinom ng tea.

Magkatabi kami ni Zac at magkatabi naman si mama at papa sa harap namin.

Nagulat ako nang may humawak sa mga daliri ko sa ilalim ng mesa pero alam ko na kung sino iyon. His touch are just so familiar. Ngunit hindi ko ipinapahalata iyon at baka magtaka pa ang mga magulang ko.

Gusto ko sanang bawiin ang kamay ko ngunit wala na akong magawa dahil ipinagsiklop na niya ito at ang kamay niya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Pasimple ko siyang tiningnan at nakitang naka kagat siya sa kanyang ibabang labi.

"So, what brings you here, Mr. Montezori?"

Napabaling ako sa harap nang biglang magsalita ang papa ko.

Tumikhim muna ang katabi ko bago magsalita.

"Sir, ma'am, I am here to formally ask for your permission to court Oly." Umpisa niya.

"I know that she's already old enough to decide for herself but I just want to show that my intentions are pure and I respect her."

Hindi naman kaagad nagsalita ang mga magulang ko. Unti unti namang bumabalik ang kaba ko na nawala kanina. Kaba na may kasamang kilig.

Bumuntong hininga si papa bago nagsalita ulit. Ang mama ko ay nakikinig lang. Si mama kasi ang tipo ng tao na minsan lang magsalita ngunit may laman.

"Gusto ko lang klarohin na si Olympia ay may anak na. Ibig kong sabihin, kung gusto mo ang anak ko ay dapat parte na doon ang anak niya."

"Hindi naman siguro lingid sa iyo ang nangyari sa anak ko dati. Kung hindi mo man alam ay sinasabi ko nang hindi madali ang napagdaanan ng anak ko noon kaya't hindi na namin kakayanin kung masaktan man siya ulit."

Bigla namang humapdi ang mga mata ko dahil sa sinabi ng papa ko. Alam ko na noon pa ay sila ang mas naapektuhan ng mga nangyari noon.

"Sir, una sa lahat mahal ko po ang lahat ng meron si Oly." Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Napayuko naman ako at kinagat ang labi upang pigilan ang sarili na maiyak.

"Alam ko po ang nangyari sa kanya noon, hindi pa man niya nasabi sa akin. Pero sa panahon na nagkasama kami, alam kong mabuti siyang babae. Mabuting anak at mabuting magulang. Mahal ko rin po si Persephone. Like I said, I love her and everything that she is."

Hindi ko pa naikwento sa kanya kung ano talaga ang nangyari dahil nasanay na ako na wag nang magkwento dahil manghuhusga parin naman ang mga tao.

"Paano mo ipagtatanggol ang anak at apo ko sa mga taong huhusga sa kanila? Lalo na't binata ka at may anak na ang anak ko. Ang gusto lang talaga namin ay hangga't maaari maprotektahan namin sila sa sakit pwera nang kami ang masaktan." Biglang tanong ni mama sa kanya.

"I won't really mind what will people say about me. I don't have an obligation to them. As long as napapasaya ko naman po si Persephone at si Oly, iyon lang ang mahalaga sa akin. Kasi kung patuloy kong iisipin ang mga tao hinding hindi kami magiging masaya."

Tumango ang papa ko sa sinabi niya at binigyan naman siya ng ngiti ni mama.

Patuloy ang pag uusap nila dahil nakikinig lang naman ako sa kanila.

Noon lumalim na ang gabi ay napagpasyahan na ng mga magulang ko ang pumanhik para magpahinga.

Sinabi ko namang ihahatid ko si Zac sa labas kaya't pagkatapos nilang magpaalaman ay saka naman kami naglakad palabas.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko dahil pinakawalan niya ito kanina.

"Namimihasa ka na ha." Sabi ko sa kanya.

Ngumisi naman siya.

"Lambot lambot ng kamay mo. Sarap hawakan oras oras."

I rolled my eyes at him. "Tsss. Mga galawan mo, sanay na sanay ka sa mga ganyang banat."

Humalakhak siya kaya napangiti ako.

"Ganyan ka pala kiligin, mommy. Nang aaway ka." Sabi niya sabay tawa ulit.

"Tigil tigilan mo ako Zacreus Hanniel ha!"

Sabi ko sabay hila sa kamay kong hawak niya ngunit hindi ko nahila nang tuluyan dahil mas mahigpit ang hawak niya.

Kaya nagpatiuna nalang ako sa paglalakad kahit hawak parin niya ang kamay ko upang hindi niya makita ang malaking ngiti sa aking mga labi.

A woman's dream Where stories live. Discover now