Chapter Twelve

1.8K 45 3
                                    

Simula noong insidenteng nangyari sa club ay palagi nang nag te-text si Zac sa akin.

Actually, nangungumusta siya hindi lang sa akin kundi sa anak ko rin. Kagaya ngayon.

Nasa bahay lang ako dahil masama ang pakiramdam ko. Medyo masakit ang ulo ko at ang bigat din ng katawan ko.

Zacreus :

Do you need anything?

Zacreus :

Please drink your medicine.

Iyan ang dalawang text na na receive ko galing sa kanya noong sinabi kong hindi ako nagpuntang restaurant ngayong araw.

He asked me if I am at the restaurant because he wanted to drop by.

Ako :

Yes, tapos na. Thank you.

Sinend ko sa kanya bago ako pumikit at kinain ng antok.

Pagka gising ko medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi narin ganoon kabigat ang ulo ko pero hindi ako bumangon at nanatili lang sa higaan.

I checked my phone when it beeped.

May apat na message siya sa akin. Siguro reply niya ito kanina bago ako nakatulog.

Binasa ko ang una niyang reply kanina.

Zacreus :

Hope you'll feel okay soon.

Zacreus :

I know you're resting right now but please let me know once you wake up.

Zacreus :

I'm worried of you.

Zacreus :

Hey.

Iyan ang mga mensahe niya sa akin.

At heto na naman iyong kiliti sa sikmura ko.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ulit ang messages niya.

Pagkatapos noong nangyari sa club ay mas naging malapit kami sa isa't isa. Mas naging sweet siya hindi lang sa akin kundi pati narin kay Persephone.

Sa tuwing nagkakausap kami sa telepono ay hindi ni isang beses niyang nakalimutang kumustahin ang anak ko. And I was touched by that.

Hindi ko pa siya tinanong kung ano ba talaga ang pakay niya sa akin dahil ayoko mag assume.

Natural na mabait na tao si Zac. Kung unang tingin lang ay aakalain mong napaka sungit at suplado niya. Pero pag nakilala mo na ng mabuti, napaka gaan niya kausap at hindi kayo mauubusan ng pag uusapan.

Kung ano man itong nararamdaman ko sa kanya, hindi ko ito pangungunahan. I just want to enjoy his company.

Tiningnan ko ulit ang phone ko nang tumunog na naman ito hudyat na may tumatawag.

Lumakas ang kabog ng aking dibdib nang makita kong siya ang tumatawag.

Hindi ko pa nasagot kaagad kaya bago ko pa sagutin ay namatay na ito. But he called back.

I took a deep breath before I answered his call.

"Hey."

He said in a deep and husky voice. Ang ganda ng boses kahit sa cellphone lang.

"Hi ."

Sagot ko sa maliit na boses.

"How are you feeling?"

"Better. I don't have a headache anymore."

Sabi ko sa kanya.

"That's good. Have you eaten?"

"Not yet."

Rinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya habang ako ay pasimpleng bumuntong hininga dahil sa lakas ng kabog sa dibdib. Ayaw kumalma.

"Do you want to eat outside?"

Tanong niya na hindi ko kaagad nasagot. Gusto ko nalang manatiling nakikinig sa kanya dahil sa lalim ng boses niya.

"It's late." Sagot ko.

But I have this urged to see him today. It's been two weeks since we last saw each other at palaging sa cellphone kami nag uusap.

"But, if you are not busy...w-we can eat o-outside."

Kabang dagdag ko sa sinabi kanina. Kagat labi kong hinintay ang sagot niya.

Rinig ko ang pagngiti niya sa kabilang linya ma siyang nagpangiti din sa akin.

"Okay, I'll pick you up. I won't allow you to drive."

Kinurot ko ang aking sarili dahil sa kiliting nararamdaman.

"Okay. I'll text you our address. Just text me if you're already here."

"Okay, see you."

"See you."

Hinintay kong ibaba niya ang tawag ngunit pagtingin ko ay nasa kabilang linya parin siya. Nahigit ko ang aking paghinga nang magsalita siya.

"I miss you..." He whispered.

Hindi na mapuknat ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi niya.

"Ingat ka."

Sabi ko nalang dahil hindi ko magawang sagutin ang sinabi niya ngayon. Pero alam ko sa loob kong na miss ko rin siya.

Rinig ko ulit ang ngisi niya sa kabilang linya dahil sa sagot ko. Feeling ko alam niya ring ganoon din ang nararamdaman ko at kilala niya akong hindi vocal kaya ganoon nalang ang ngisi niya.

Hindi na ako sumagot at ibinaba nalang ang tawag.

Bumangon ako't inayos ang aking higaan at pagkatapos ay pumasok sa banyo upang maglinis ng sarili.

I settled on wearing an oversize jacket and maong shorts at flip flops.

Na text ko na rin sa kanya ang address namin at sinabi niyang papunta na siya.

I feel so giddy. Hindi ako mapakali. Para akong highschool na excited makita ang crush niya.

I looked at myself in the mirror again. I let my long hair down too.

I looked at my phone again and saw that ut's already eleven thirty at night. Mahimbing na ang tulog ng anak ko ngayon pati narin ang mga magulang ko kaya hindi na ako makapag paalam na aalis.

Okay lang, hindi naman ako magtatagal.

Rinig kong may sasakyan sa labas at sa tingin mo ay siya na iyon.

Nakompirma ko nga iyon nang mag text siya at sinabing nasa baba na siya.

Nag reply naman ako at sinabing wag na siyang bumaba ng kotse at pababa na rin ako.

Nang madaanan ko ang kwarto ng anak ko ay nilapitan ko ito at nilapatan ng halik sa noon bago tuluyang lumabas.

Pagka labas ko ay tumambad sa akin ang kotse niya.

At opo, kinikiliti na naman ako ng mga alaga kong paru paro sa tiyan.

Deretso akong naglakad papunta sa kotse niya at pagka pasok ko ay tumambad sa akin ang mukha niyang nakangiti na.

"Hi."

"Hi."

Sagot ko sa maliit na boses. Shit.

Bigla siyang dumukwang sa side ko at nanigas ang katawan ko dahil akala ko ay hahalikan niya ako. Shit! Nakakahiya ka, Olympia!

"Safety first."

Ngising sabi niya sa akin matapos niyang ayusin ang seatbealt ko.

Ramdam ko ang init ng pisngi ko kaya't nang paandarin niya ang kotse ay bumaling ako sa bintana para hindi niya makita ang pamumula ng aking mukha.

A woman's dream Where stories live. Discover now