Chapter Thirty One

1.8K 47 1
                                    

I'll say this again, my updates are unedited so please excuse the errors.

If you want to interact with me, please follow my socmed accounts.

Twitter : Aquariuspenwp
Facebook : Aquariuspen WP

PLEASE VOTE AND COMMENT YOUR THOUGHTS! THANK YOU!

++++++++++++--

Pagkatapos ng emosyonal na pag uusap namin na iyon ay hindi ko maiwasang maging masaya dahil sa gaan ng aking dibdib.

Alam kong may ibang tao na tututol sa ginawa ko, sa pagsabi ng totoo sa anak ko ngunit para sa akin ay tama lang iyon. Gusto ko lang sabihin sa anak ko ang totoo dahil karapatan niya iyon. Darating ang panahon, kapag malaki na siya, alam kong mas maiintindihan niya lahat ng bagay.

Paulit ulit ko lang ipapaintindi sa kanya na hindi niya kasalanan kung ayaw sa kanya ng ama niya. At sa araw araw na magkasama kami, mas lalo lang namin siyang pinupuno ng pagmamahal lalo pa at nandiyan na rin si Zac.

Simula noong araw na iyon ay hindi na mapaghiwalay si Zac at ang anak ko. At gabi gabi ko iyong ipinagpapasalamat sa panginoon dahil tanggap ni Zac ang anak ko. Hindi lang tanggap kundi mahal niya ito at alam kong ganoon rin si Persephone sa kanya.

Minsan hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kirot kapag nakikita ko ang anak ko kasama si Zac. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon ka saya. Alam ko namang masaya ang anak ko sa pamilya namin at sa pagmamahal na ibinigay namin sa kanya ng mga magulang ko ngunit iba iyong kislap ng mga mata niya kasama si Zac. That's just shows na noon pa siya naghahangad ng isang ama.

Kaya kahit gaano man ka pangit iyong pag uusap namin ni Keith, I know it's the right decision. Not for me, but for my daughter.

Kasalukuyan akong nagda drive ngayon papunta sa condo ni Zac. Plano kasi namin dapat na kumain sa labas bago namin sunduin si Persephone sa school. Pero napagpasyahan ko na lutuan nalang siya sa condo niya. This is not the first time I cooked for him but this is the first time I cooked for him as his girlfriend.

Ilang buwan na din kaming magkarelasyon at walang araw na hindi kami masaya. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa amin araw araw at minsan naiisip ko na mas mahal niya si Persephone kaysa sa akin. At isa iyon sa hinihiling ko dati pa. Na kapag mararanasan ko ulit ang magmahal, sana mas mamahalin ang anak ko kaysa sa akin. At ito na nga. He came. Zac came like an answered prayer.

Napukaw ang atensyon ko sa isang kotse na nakasunod sa akin. Kanina ko pa ito napapansin pagka labas ko pa lang ng subdivision namin ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang.

Everytime I drive slowly, the car slows down too. Sinubukan kong mag overtake sa kotse na nasa harapan ko, libre naman kaya mas madali kong nagawa ngunit pagkakita ko sa rearview mirror ay ganoon din ang ginawa ng kotse. Ngunit naunahan siyang mag overtake ng kotseng nasa tabi nito na ipinagpapasalamat ko.

Huminga ako ng malalim kahit kinakabahan. Isang sulyap pa ang ginawa ko upang masiguro na hindi na ito nakasunod sa akin at ganoon nalang ang luwag sa dibdib ko nang makitang wala na ito sa likod.

Pagkarating ko sa condo building ni Zac ay dumeretso na kaagad ako sa basement at nagpark pagkatapos ay tuloy tuloy na pumasok sa elevator.

Habang naghihintay na dumating sa floor kung nasaan ang condo ni Zac ay hindi ko maiwasan na balikan ang nangyari kanina. Malakas ang pakiramdam ko na sinunsundan ako ng kotse na iyon ngunit may parte sa akin ang gustong baliwalain iyon dahil baka nag o-overthink lang ako. Napagdesisyonan ko rin na huwag nang sabihin kay Zac dahil baka mas mag alala pa siya.

Pagkapasok ko sa condo ni Zac ay sumalubong sa akin anh katahimikan sa loob. Nasa opisina pa si Zac at ang sabi niya kanina ay may huling meeting siya bago umuwi. Ang sabi ko naman ay mauuna na ako dito upang makapagluto na. He already gave me the code of his condo months ago bago ko pa man siya sinagot. Kaya ko nga siya nadala dito noong naglasing siya.

I put my bag on the sofa and went directly to the kitchen and rummaged through his fridge. Sabi niya sa akin ay huwag na daw akong mag grocery dahil marami pa naman siyang supply.

Ang sabi niya rin ay hindi naman siya gaanong kumakain dito dahil palagi siyang pumupunta sa bahay namin kung kaya't palagi namin siyang kasabay kumain. Which is true. Kapag tapos na siya sa trabaho ay dumi-deretso siya sa bahay upang makita kami ni Persephone tapos ay uuwi rin sa gabi.

Minsan din naman ay kumakain kaming tatlo sa labas lalo na kapag nagre-request na si Persephone na mamasyal na kaagad namang susundin ni Zac. Spoiled na nga si Persephone sa kanya kaya kinausap ko siya tungkol doon. Ang sabi niya ay palagi siyang nakukuha sa puppy eyes at pag pout ni Persephone sa tuwing may hinihingi at nahihirapan siyang humindi. Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa.

Mas lalo akong natawa noong unang beses siyang tawagin na "daddy" ni Persephone dahil mangiyak ngiyak pa siya noon. Ang sabi niya kasi ay hayaan namin si Persephone sa kung ano ang gustong itawag sa kanya. Uncle o tito okay lang sa kanya kaya ganoon nalang ang saya niya nang tuluyan siyang tawaging "daddy" ng anak namin.

Anak namin. Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing naiisip ko iyon. Ayaw kasi ni Zac na tawagin ko lang na "Anak ko" si Persephone dahil simula noong minahal niya ako ay minahal na rin daw niya ang anak namin. Although gustong gusto ko namang banggitin ang "Anak namin" pero ayokong ma pressure si Zac. This is a big decision. Ibig sabihin noon ay mananatili na siya sa buhay namin.

He said, again and again that he doesn't have a plan of letting us go, even if I will ask him too. Hindi nalang daw niya sasabihin, gagawin nalang niya.

Ngiting ngiti ako habang nagpo pokus sa pagluluto ng paboritong ulam ni Zac. Pagkatapos niyon ay gumawa ako ng dessert para sa aming dalawa. Siniguro kong masarap ang luto ko nang mapawi naman ang pagod ni Zac sa trabaho.

Patapos na ako sa lahat ng ginagawa nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

A woman's dream Where stories live. Discover now