Chapter Thirty

1.9K 52 7
                                    

Hi! Unedited ulit.

If you want to interact with me, please follow my twitter : @aquariuspenwp
Facebook : aquariuspen wp

+++++++++++++++++++

Kasalukuyan kami ngayong nasa isang open space malapit sa mall kung saan kami namasyal. Sobrang saya ko lalo na'g kasama namin si Zac. Hindi naman ito ang unang beses na magkasama kaming tatlo mamasyal pero unang beses ito na magkarelasyon na kami ni Zac.

Parang hinahaplos ang puso ko sa tuwing tinitingnan ko silang dalawa na parang mag ama. Iyong lahat ng games na gustong puntahan ni Persephone ay nandoon rin siya para umalalay at makipaglaro kahit na pambabae ito. Ang sarap sa pandinig noong halakhak nilang dalawa lalo na ang saya sa mga mata ng anak ko.

"Wipe, mommy." Sabi ng anak ko dahil namantsahan ang damit niya sa icecream na kinakain. Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng icecream.

"Let me, princess." Bago pa ako makagalaw ay naunahan na ako ni Zac. Kaagad niyang kinuha ang panyo niya sa bulsa at pinunasan ang damit ng anak ko at pati na mukha nito.

"Thank you, uncle." Nakangiting sabi ng anak ko.

Hindi nagtagal ang ngiti na iyon sa mukha niya. Nakita kong unti unting nawawala ang ngiti sa mukha ng anak ko nang may dumaang pamilya sa harapan namin. Nakatingin siya sa pamilyang iyon partikular doon sa batang babae na karga ng isang lalaki na tingin ko ay ama nito.

Hindi na rin ako makangiti dahil sa sakit na bumalatay sa mukha ng anak ko. Pinisil ni Zac ang kamay ko at nakitang nakatingin ito sa akin. He gave me an encouraging smile.

Balak ko na kasing sabihin sa anak ko ang totoo. Ayoko nang patagalin pa iyon dahil alam ko naman na balang araw ay magtatanong ulit siya.

Huminga muna ako ng malalim at tiningnan si Zac. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

I counted from one to ten and then called the attention of my daughter.

"Baby."

She looked at me and gave me a smile that doesn't reach her eyes. Nakaupo kami sa isang bench at nasa gitna namin siya ni Zac.

I gave her a smile before I talked.

"Do you remember the night that we talked about your d-dad?" Kinakabahang sabi ko.

I saw her eyes twinkled with the mention of her dad. Oh god, baby...I'm so sorry....

"Yes, mommy." Sabi niya sa mahinang boses ngunit nakikita ko ang pag asa sa mga mata niya.

Unti unti nang umiinit ang mga mata ko at tingin ko'y alam iyon ni Zac kasi hinawakan niya ako sa kamay. Nakatingin din siya kay Persephone upang makita ang reaksyon nito.

"I-I s-saw him, b-baby."

"You saw daddy, mommy? Where is he? Can we go to him now?"

Tiningnan ko si Zac at tumango siya sa akin. Urging me to say more. Kinagat ko ang aking labi at lumunok upang mawala ang bikig sa lalamunan.

"We can't, baby." I said in a whisper.

"Why, mommy? Please, let's go to him, mommy!" Pamimilit niya sa akin at unti unting hinihila ang braso ko.

"Baby."

"W-we really c-can't, baby. H-he doesn't want t-to be a d-dad to y-you." Utal utal na sabi ko dahil hindi ko makayanan ang sakit sa dibdib ko para sa anak ko.

Nagsimulang tumulo ang mga luha sa anak ko at rinig ko ang hikbi niya pero bago paman ako makayakap ay naunahan na ako ni Zac. Ikinandong niya si Persephone at inilagay ang mukha nito sa dibdib niya at hinahaplos ang buhok nito.

"Shhhh...shhhh, it's okay, baby. We love you. So much."

Tumulo na rin ang mga luha ko dahil nasasaktan ako sa bawat hikbi ng anak ko.

"Why, mommy? Am I bad? Bakit ayaw niya kay Persephone, mommy?" Sunod sunod na tanong ng anak ko habang humihikbi.

Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa bikig sa lalamunan ko at mahihinang hikbi na kumawala sa akin.

"Shhh..you are not bad, princess. Mommy loves you, your mommyla and grand dad loves you and I love you too." Malumanay na sagot ni Zac sa anak ko.

"Pero bakit ayaw niya sa akin?" Lumuluhang tanong niya ulit.

"It's adult stuff baby. When you're already grown up, rest assured we will tell you, your mom will tell you everything. Just don't think that you are bad, okay? We love you. All of us" sabi ni Zac sabay halik sa noo ng anak ko.

Lumingon siya sa akin at binigyan niya ako ng ngiti pagkatapos ay inabot ang kamay ko at hinila palapit sa kanila. Niyakap niya kaming dalawa ng anak ko at parehas na hinalikan sa aming mga ulo. Pinagsiklop ko naman ang mga kamay namin ni Zac at tahimik na nagpapasalamat na nandito siya. Na mahal niya kami.

Isang katahimikan ang namayani sa aming tatlo at tanging mahihinang hikbi galing sa anak ko ang maririnig.

"Uncle Zac, do you love my mommy?" Maya maya ay tanong ng anak ko.

Naramdaman kong natigilan si Zac sa tanong ng anak ko ngunit nakuha niya paring sumagot.

"More than anything, princess."

Ramdam ko ang kabog sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Bumangon ang anak ko galing sa pagkakayakap ni Zac at pagka ub-ob sa dibdib ni Zac.

My daughter looked at him straight into his eyes.

"Are you gonna leave us, too?"

"Of course not. No. I won't. I will stay in your life no matter what." Umiiling na sabi ni Zac habang nakahawak sa maliliit na braso ng anak ko. Tumango naman ang anak ko sa sagot niya.

"Uncle...."

Tawag ulit ni Persephone kay Zac. Nagtitigan pa silang dalawa na akala mo ay hindi ako kasama. Kinagat ko ang aking labi dahil sa seryosong mukha ng mga ito. Ang attentive ni Zac sa anak ko na para bang bawat bibigkasin nito ay napaka life changing.

"Can you be my daddy, uncle?"

Lumakas ang kabog sa dibdib ko at kaagad kaming nagkatinginan ni Zac. Parang lalabas ang dibdib ko sa saya. Ramdam ko rin ang saya ni Zac ngunit nanatiling kalmado lang. Huminga siya ng malalim bago tiningnan ulit ang anak ko. Hinawakan niya ang magkabilang mukha ng anak ko.

"Ofcourse, princess. Thank you for choosing me to be your dad. I promise to do my best for you and for your mom. I love you and your mom so much more than anything." Madamdaming sabi ni Zac.

Parehas kaming nakangiti ng anak ko at parehas ding may luha sa mga mata namin. Alam kong parehas kami ng nararamdaman ng anak ako. Tears of joy.

My daughter hugged him which he returned. He also hugged her tightly and kissed him on her head. When he looked at me, he whispered "I love you" and that made my heart flutter so I joined their hug.

A woman's dream Where stories live. Discover now