Chapter Twenty Six

1.7K 41 1
                                    

Alas kwatro pa lang ay umalis na ako sa restaurant at umuwi na upang makapag prepare para sa dinner namin ni Zac. If pupunta siya.

Pero bago pa iyon, dadaanan ko muna ang anak ko. Nakapag sabi na ako kanina na ako ang susundo sa kanya.

Pagkarating ko sa school niya ay nakita kong kakalabas lang din niya galing sa room niya.

Pinanood ko lang siya habang nakatayo sa gilid ng kotse. Iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid at nang makita ako ay nanlaki ang mata niya sa tuwa pagkatapos ay tumakbo papunta sa akin nang nakangiti.

"Mommy!" Sigaw na tawag niya sa akin habang tumatakbo. I bent down to meet her with a hug.

"Hi, mommy!" She said and giggled then kissed my cheeks.

"Hi, love." I also said and then kissed her all over her cheeks and that earned me a laugh from her.

Iginiya ko na siya sa back seat at sinigurong maayos at safe siyang nakaupo bago pumaikot sa driver seat.

Pagka pasok ay kaagad kong pinaandar ang kotse ngunit may nahagip akong isang pamilyar na kotse sa unahan. Ganoon na lang ang kaba ko nang maisip na baka si Keith iyon. Ganoon ang kotse niya dati pero imposible namang hindi niya pinalitan sa tagal ng panahon.

Kahit kinakabahan ay nag focus ako sa pagda drive dahil kasama ko ang anak ko.

Pilit kong iwinaglit ang nakita at tiningnan ang anak sa rearview mirror at nakitang mahinang kumakanta ito na siyang nagpangiti sa akin.

"How's school, love?" I tried to ask her to divert my attention from what I saw.

"Oh, it's fun, mommy! I have another five stars today!" She said in a proud voice that also made me proud. I am always proud of her no matter what.

"That's great, love! I'm so proud of you, baby." I told her and she giggled when she heard that and said, "Thank you, mommy. I love you."

Pagkarating sa bahay ay kaagad ko siyang binihisan ng pambahay at pinakain ng meryenda. Pagkatapos ay iniwan ko muna ang anak ko sa sala habang nanonood ng Moana, for the hundredth times at umakyat muna ako sa kwarto ko.

Tinawagan ko na si Kuya Joe, iyong isa naming driver dahil sa kanya ako nagpatulong sa pag prepare ng park kung saan ko planong surpresahin ng dinner si Zac, at kung saan ko siya sasagutin.

Alas singko pa naman kaya malayo pa. Nagbihis muna ako ng pambahay at bumaba upang samahan ang anak sa panonood ng kanyang paboritong palabas. At para maibsan rin ang kabang naramdaman ko.

Nang malapit ng mag alas syete ay pumanhik na ako at nagbihis. Ganoon nalang ang kaba sa dibdib ko sa naisip na gagawin ngayon. Sasagutin ko na si Zac.

Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang ayos sa salamin. Isang thin strapped body hugging dress ang suot ko at pinaresan ng strappy sandals. I want to to look presentable tonight.

Lumabas na ako ng kwarto at nalaman kong nasa kwarto ng mga magulang ko ang anak ko. Hindi ko na sila pinuntahan at baka sasama pa si Persephone sa akin. Nag send nalang ako ng text sa parents ko na lumabas ako at uuwi rin. Hindi ko rin ipinaalam sa kanila na ngayon ko sasagutin si Zac. Saka na kapag natapos ang gabi natong magkasintahan na kami.

Pumasok ako sa kotse at pinaandar ito papuntang park kung saan gaganapin ang dinner namin. Hindi naman siya masyadong malayo pero gabi na at naka sandals pa ako. Ayoko na rin isturbohin ang mga driver namin. Kaya ko namang mag drive.

Pagkarating doon ay nakita ko si kuya Joe na tinitingnan ang kabuuan ng lugar. Hindi ko ine expect na ganito ka ganda ang paghanda niya. Hindi ko siya sinabihan na dinner namin ito ni Zac.

Naglakad ako papalapit sa kanya nang lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Ma'am."

"Kuya. Salamat ha."

"Walang anuman po. Sana maging maayos po ang dinner ninyo."

I smiled at him. "Sana nga po. Thank you talaga kuya Joe. Ang ganda. Ang galing mo po."

Nahihiyang nagkamot siya ng ulo.

"Hihintayin ko po ba kayo ma'am?" Tanong niga sa akin..

"Naku, wag na kuya. Okay lang po ako. May kasama naman po ako maya maya."

"Sige po, ma'am. Mainit pa po ang pagkain kasi kakahatid ko lang din niyan."

Ngumiti siya sa akin bago tumango at nagpaalam na. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos ay naglakad papunta sa kung saan nandoon ang mesa at umupo.

Tinext ko na kanina si Zac tungkol sa dinner na ito. Pinapaalala ko lang sa kanya.

Ang totoo niyan...may parte sa akin na kinakabahang hindi siya darating dahil sa kung paano niya ako tratuhin kanina pero mas malaki ang parte sa akin ang naniniwalang darating siya.

Umupo na ako at tiningnan ang pagkain na nasa mesa. Ang bango. Pero hindi pa ako nakakaramdam ng gutom hangga't wala pa si Zac.

Tiningnan ko ulit ang telepono ko at wala akong nakitang mensahe kahit ni isa. I sent him another text.

I sighed and calmed myself. I trust him.

Ilang oras pa ang lumipas at hindi parin siya dumating.

Nagsimula na akong kabahan at iniisip na baka may nangyari sa kanya. I know he won't fail me. I have faith in him.

Ngunit mag a-alas dose na ng gabi at wala ni anino niya ang nagpakita.

Isang beses pa akong huminga ng malalim upang mabawasan ang sakit na nararamdaman.

Tinext ko nalang siya na huwag nang pumunta.

I am not angry. Nagtatampo lang.

I was about to stand up and go home nang makita kong may sasakyan na kaka park pa lamang. Unti unting lumakas ang kabog sa dibdib ko nang makilala kung kaninong sasakyan iyon.

Lalo pang kinikiliti ang sikmura ko nang ma kumpirma ang may-ari ng kotse na iyon.

I gasped as relief washed over me.

Sabi ko na nga ba. Pupunta siya. Kung hindi ko siya matitiis. Alam kong mas lalong hindi niya ako matitiis.

Unti unting bumalik ang kaba ko nang maisip kung para saan ang dinner na ito.

Ano ka ngayon, Olympia? Are you chickening out?

A woman's dream Where stories live. Discover now