Chapter Twenty Seven

1.7K 46 2
                                    

UNEDITED!!!

********

"Hi." I said when he was already standing in front of me.

His eyes are still void of emotions. I bit my lip and tried to calm myself down because my heart feels like coming out of my ribs.

"U-uhm...you came.." sabi ko pagkatapos tumikhim. He only nodded at me and did not even respond.

"Uuh, s-sit down." Iminuwestra ko ang upuan na nasa tabi niya.

"Why are we here, Olympia?"

Olympia. He never calls me that. I used to him calling me Oly but most of the time, mommy.

Iyong excitement na nadama ko kanina ay biglang nasapawan ng kaba at sakit dahil sa tanong niya. Ngunit hindi ako nawalan ng pag asa at pilit na ngumiti sa kanya.

"I- uhm, I w-want to talk to y-you." Sabi ko na hindi naiwasan ang pagkautal.

"About what?" He said while still looking at me straight from the eyes. Ang boses niya ay mas malamig pa sa hangin na unti unting humi-ihip dahil sa paglalim ng gabi.

Huminga ako ng malalim at tinitigan siya. Despite the coldness in his eyes, hindi ko maipagkakaila na napaka gwapo niya ngayon. I mean, palagi naman. Nakasuot pa siya ng navy blue na polo na itinupi niya hanggang siko.

Kahit ramdam ang lamig ng gabi ay parang wala itong epekto sa akin dahil sa nararamdaman ko ngayon.

"Are you mad at me?" Sa wakas ay tanong ko. Gusto ko talagang malaman kung may nagawa man ako na ikinagalit niya dahilan para tratuhin niya ako ng ganito ka lamig. O baka nagsawa nalang siya sa panliligaw sa akin. Alin man doon ay nasasaktan ako ngunit ayokong pangunahan ng mga iniisip ko kaya't gusto kong malaman galing sa kanya.

"Do I have a reason to be mad at you?" He answered me.

"I j-just...nagsawa ka na ba sa p-panliligaw sa'kin? A-ayaw mo na b-ba?" Tanong ko kahit na nag iinit ang mga mata.

He scoffed. "I really don't understand why you are asking me that when in fact you already made your decision. And I understand that you did that for Persephone. As much as I am so much hurt, I love your daughter and I want her to be happy." Mahabang sabi niya.

Halo-halo aking nararamdaman dahil sa narinig sa kanya. Parang may humaplos sa aking puso nang marinig kong mahal niya ang anak ko. Ngunit naguguluhan ako sa mga sinasabi niya tungkol sa desisyon na nagawa ko. Desisyon saan?

"What? What are you talking about?" I asked with a knot on my forehead.

Tumingala siya bago nagsalita.

"Just say it on my face, Oly. I'm just disappointed because I was very honest with you and you could not even do the same to me." Sabi niya sabay hinga ng malalim na para bang napaka bigat ng dinadala niya.

Lumapit ako sa kanya at tumingala dahil sa tangkad niya. Kahit matangkad na ako sa height ng isang babae, mas matangkad parin siya at hanggang leeg lang niya ako kahit may heels na.

I puffed a breath and look into his eyes.

"I-I don't understand, Zac. Ano bang sinasabi mo?" Sabi ko sa naguguluhang boses.

"C'mon, Oly! Just tell me na nagkabalikan na kayo ng ama ni Persephone! Maiintindihan ko naman eh. Kahit pa gaano kita ka mahal hinding hindi ako hahadlang kung sasaya ka sa kanya. I just want you to be honest with me." Sabi niya pagkatapos ay kitang kita ko kung paano tumaas baba ang dibdib niya na para bang tumakbo siya ng ilang kilometro sa sinasabi niya.

"Where did you get that? H-hindi kami nagkabalikan, Zac."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Bago pa siya makapagsalita ay dinagdagan ko na ang sinabi ko.

"Hindi ako ganoon ka tanga upang bumalik sa taong naging dahilan ng pagkasira ko, Zac. Hindi ko alam kung saan mo-"

Hindi ko natuloy ang sinabi ko nang may ma realize.

"Did Katya tell you that, huh?"

Unti unting nawala ang kunot ng noo niya. Ang kaba na naramdaman ko kanina ay napalitan ng galit at pait. Tiningnan ko siya nang maigi sa kanyang mga mata.

"Nakipagkita ako sa ama ng anak ko dahil iyon ang hiling ng a-anak ko." Humapdi ang dibdib ko sa naalalang pag uusap namin ni Keith. "Ilang taon na ang anak ko at unang beses niyang nagtanong tungkol sa ama niya kaya't wala akong nagawa kundi ang pagbigyan siya."

Nagsimula nang uminit ang mga mata ko at konti nalang ay mahuhulog na ang mga luha na unti unting kumakatok sa pinto ng aking mga mata.

"I saw her there. Katya. And I'm sure she told you about that. Hindi ba?"

Hinintay kong sumagot siya. Ang kaninang malalamig na mata ay napalitan unti unting nagkaroon ng emosyon. He looked so sorry but I can still see the love in there.

I heard him cursed.

"Oh my fucking-shit!" Hinawakan niya ang kanyang ulo at parang sising sisi sa iniasta at sinabi niya.

Tumungo siya at nagpakawala ng buntong hininga. "Im sorry." He said softly. He held my hand and pulled me closer to him.

Tuluyan nang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Dahan dahan niya rin akong niyakap ng mahigpit at nagsilbi iyong gatilyo upang lumabas ang hikbi na kanina pa gustong kumawala.

"A-ayaw niya kay Persephone, Zac. A-ayaw niya sa anak ko. Ang sakit. Nasasaktan ako para sa a-anak ko." Sabi ko na parang nagsusumbong sa kanya. I heard him cursed again.

"I'm sorry, mommy. I'm very sorry, baby." Patuloy niyang sabi habang hinahalik halikan ang ulo ko.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko, Zac. Masasaktan siya. Masasaktan ang anak ko." Patuloy na hikbing sabi ko sa kanya.

Wala siyang sinabi upang pakalmahin ako. Hinayaan niya lang akong maglabas ng hinaing at nakatulong iyon upang gumaan ang dibdib ko.

Maya maya ay naging kalmado na rin ako. May kaunti paring hikbi ngunit dala iyon ng pag iyak kanina. Humiwalay siya galing sa pagyakap sa akin at tiningnan ang kabuuan ng mukha ko. Ganoon rin ako kahit may mga luha pa sa mga mata. Pinahiran niya iyon at hinalikan ang aking noo. Napapikit ako sa rahan ng halik na iyon.

Napagpasyahan ko na bago paman ako pumunta dito na sabihin sa kanya ang lahat. Ito na iyon...at kung ano man ang kinalalabasan, tanggapin niya man ako o kami ng anak ko sa buhay niya o hindi, atleast lumaban ako.

A woman's dream Where stories live. Discover now