Chapter Seven

2.1K 51 5
                                    

"Uncle Zac, where is Soren?"

My daughter asked while munching on her food.

Dumating siya kanina noong nag usap kami ni Zac. Pinauwi ko na rin si yaya fely dahil kaya ko namang alagaan si Persephone habang nandito.

"Why? You miss him?"

Nakangising tanong ni Zac sa anak ko.

"Yeah, I thought he is with you so we can play."

My daughter said while pouting her lips.

"He's also going to school so he is only allowed to come with me during weekends."

"Oh, okay! Can you come on saturday and bring Soren, too?"

Nakangiting tanong ng anak ko sabay hawak sa braso ni Zac na nasa mesa. Napagitnaan namin siya ni Zac.

Nanonood at nakikinig lang ako sa usapan nila.

Ngumisi rin pabalik si Zac. Amusement is very evident on his eyes.

"Yes, we will definitely come back here."

He said and then looked at me with me smile.

Hindi ko magawang hindi tingnan ang labi niya lalo pa't mapula pula ito. Kinagat niya ang kanyang labi dahilan kung bakit mas pumula ito.

I looked at his face again and saw a crooked smile.

Hindi maipagkakailang bukod sa gwapo ito ay malakas din ang dating nito.

Zayn Malik.

Iyan ang naalala kong kamukha niya. May nunal lang siya sa gilid ng kanyang right eyebrow..

Bukod pa doon ay napansin ko ring hindi na ganoon ka kapal ang stubbles niya. Lihim akong napangiti ng maalalang sinabi ni Persephone na tanggalin iyon. Nga lang, hindi naman totally tinanggal, trinim lang para numipis.

"Yehey! Thank you uncle Zac! And thank you for being my mommy's first boy friend!"

"Persephone." Tawag ko sa kanya..

"It's true, mommy! Ninang is your only friend."

Inosenteng sagot niya sa akin. Gaya nang pagkasabi ko noon, hindi na ako basta basta nakikipaglapit sa mga lalaki pagkatapos noong nangyari.

May mga kaibigan akong lalaki dati pero noong nalaman nila ang issue about sa akin, binabastos nila ako. Na keso sa kanila nalang daw kasi single sila ba't naman daw doon sa may asawa pa. Mas masarap ba daw ang may asawa.

Sabi ko nga may magandang dulot ang nangyari sa akin. Nakilala ko kung sino iyong mga taong dapat tanggalin ko sa buhay ko.

"Do you want to be mommy's friend, uncle Zac?"

Napukaw ang pag iisip ko sa tanong na iyon ng anak ko.

Sasawayin ko sana siya ngunit naunahan ako ni Zac magsalita.

"Of course. I want to be your mommy's friend."

May gusto pa sana itong idagdag sa sinabi ngunit mas piniling itikom ang bibig niya at mas ngumiti pa sa anak ko.

"Excuse me, I'm right here. You are talking about me, infront of me?"

Sabi ko na kunwari'y galit.

Humagikhik ang anak ko kasabay ng mahinang tawa ni Zac.

My daughter's laugh mixed with Zac's sound so good. And I am not liking this.

Naputol lang ang tawanan nila nang mag ring ang cellphone ni Zac.

He got his phone from his pocket and looked at the screen and then to me.

"I'm sorry, I have to take this."

"Sure, go ahead." Sabi ko.

"Excuse me, princess." Pagpaalam niya sa anak ko.

"It's okay, uncle Zac." Ngiting sabi ni Persephone sa kanya at saka siya tumayo at lumayo ng konti sa amin upang sagutin ang tawag.

"Do you need more chicken?"

Tanong ko kay Persephone na ngayon ay maganang ngumangatngat ng fried chicken.

Umiling naman ito at nagpatuloy kumain.

"Mommy, do you like uncle zac?"

Buti nalang at hindi ako kumakain dahil paniguradong mabibilaukan ako sa tanong ng anak ko.

"Why do you ask, baby?"

"So you will have another friend aside from ninang, mommy."

"Why do you want me to have another friend? I'm okay with your ninang."

"So you don't like uncle Zac, mommy?"

Malungkot na tanong niya sa'kin. Nahabag naman ako.

"No! I mean, I like him." That doesn't sound right.

"I like him to be my friend." Kaagad na dagdag ko.

"Yehey! You have another friend now, mommy."

Sabi niya habang pumapalakpak pa.

Napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi ng anak ko. Simula kasi 'nung nangyari nahihirapan na ako magtiwala sa ibang tao.

Pero si Zac...

Iba siya.

May bumubulong sa akin na pwede akong magtiwala sa kanya. Na hindi ako mapapahamak lalo na ang anak ko sa kanya.

Bumuntong hininga ako habang pinapanood ang anak kong maganang kumain.

Maya maya ay bumalik na rin si Zac sa mesa.

"Sorry, just work stuff."

Sabay ngiti sa'kin.

Tumango ako bilang sagot sa kanya.

Patuloy kaming nag uusap at sumasali ang anak ko sa usapan namin paminsan minsan.

And when it's time for him to go back to work, kinulit pa siya ulit ni Persephone tungkol sa pagbalik nila ni Soren dito sa restaurant.

"I promise, princess. Babalik ako and isasama ko na si Soren, of course."

Sabi ni Zac habang ginugulo ang buhok ng anak ko nang bigla siyang bumaling sa'kin.

"Can I have your number?"

Nagulat naman ako sa tanong niya ngunit hindi ako nagpahalata. Nagdalawang isip pa ako kung ibibigay ko o hindi.

Sa huli, inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya upang hingin ang kanyang cellphone na g ma type ko ang number.

Ngumiti siya tapos kinuha ang cellphone sa bulsa at ibinigay sa akin.

Pagka type ko ng cellphone number ko ay agad ko iyong ibinalik sa kanya.

Pagkatapos magka paalaman ay inihatid namin siya ng tingin papalabas at nang hindi na namin siya makita ay pumasok na kami sa sa office ko upang makapagpahinga saglit si Persephone habang tinatapos ko ang ginawang naudlot pagkarating ni Zac.

A woman's dream Where stories live. Discover now