Chapter Twenty Four

1.7K 41 3
                                    

Nang sa wakas ay nakarating kami sa floor kung nasaan siya nag s-stay, kaagad kong inilagay ang passcode dahil mukhang matutumba na kaming dalawa. Paubos na ang lakas ko dahil ultimo sa elevator ay nakalingkis siya sa akin.

When we got inside, I guided him inside his room. Nang tuluyang maihiga siya sa kama niya ay inayos ko kaagad ang pwesto niya. Tinitigan ko siya at sa ayos niya ay parang ako ang naiinitan para sa kanya. Ini-adjust ko ang aircon sa kwarto niya pero ganoon parin ang pakiramdam ko. Nasanay kasi akong naliligo kapag galing sa labas o kahit magpalit ng damit bago humiga sa kama. Hindi ko naman din sinasabing madumi si Zac pero kasi galing siya sa club. Amoy alak at sigarilyo.

Kinagat ko ang aking labi at tinitigan parin siya. Iniisip kung papalitan ko ba ang damit. Sa huli at bumuntong hininga nalang ako at pumunta sa cr upang kumuha ng basang bimpo. I took off his shoes and socks.

Pagkatapos ay dumeretso ako sa tabi niya. Huminga ako ng malalim bago dahan dahang iniisa isa ang butones ng kanyang polo.

Tatlong piraso pa ang nakalas ko pero parang ang init na din ng pakiramdam ko. Pinagpatuloy ko nalang at mas binilisan ng kaunti upang matapos na. Alam ko naman nang maganda ang katawan ni Zac dahil sa tangkad at tindig niya. Pero iba parin talaga kapag personal mo nang nakikita.

Dalawang butones nalang Oly... Kaya mo iyan. Pampalakas loob ko sa sarili ko. Paano ba yan? Kumakaway sa akin ang abs niya! Iniiwas ko nalang ang mata ko sa katawan niya habang pinapahiran ito ng basang bimpo.

Umungol siya habang nagpapahid ako pati sa braso at mukha niya.

Muntik na akong mapasigaw nang bigla niyang hinila ang braso ko at halos mapasubsob ako sa dibdib niya.

"Oly...."

"I love you..."

Napatigil ako't napatingin sa mukha niya. Inakala kong nagising siya't tinawag ang pangalan ko pero tiningala ko siya at nakita kong tulog parin siya. Napapanaginipan niya ba ako?

Napangiti ako sa kilig at dahan dahang umayos ng upo. Binilisan ko na ang pagbihis sa kanya upang makapahinga na siya ng maayos.

Pagkatapos kong masampay ang bimpo sa banyo ay kinumutan ko siya hanggang bewang at dahan dahang lumabas ng kwarto niya. Pumunta ako sa kusina upang kumuha ng tubig at naghanap ng gamot sa medicine kit niya. Pumasok ako ulit sa kwarto niya at nilagay ang tubig at gamot sa side table niya. For sure, masakit ang ulo nito pagkagising.

Pagkalabas ko ulit ng kwarto niya ay dumaan ako sa guest room at kumuha ng unan at kumot doon. Pagkatapos ay dumeretso ako sa couch. Napagpasyahan kong doon na matulog kasi malalim na ang gabi at pagod na rin ako. Pagka higa ay nakatulog ako kaagad dala na rin siguro ng pagod.

Kinabukasan ay naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ay may nanonood sa sakin sa pagtulog ko. I yawned and rubbed my eyes before slowly opened it. Ngunit ganoon nalang ang aking gulat nang makita kong nakadukwang si Zac sa sandalan ng couch at seryoso ang mukha. Ang aga aga, ang pogi.

I smiled a little. "Hi." Sabi ko sa maliit ma boses.

Bumuntong hininga siya sabay tayo ng maayos at hindi sumagot. Galit ba siya sa'kin?

"Why are you here?" Tanong niya sa seryosong boses.

Nasaktan naman ako at unti unting nawala ang ngiti sa labi. Ayaw niya bang nandito ako?  Kahit na ganoon ay ngumiti ako ng hilaw sa kanya.

"I f-fetched you last n-night. You were so drunk." Sabi ko sabay dahan dahang bumangon at umupo. Nanlaki naman ang mata ko nang ma realize na wala pa akong toothbrush at hindi ko alam ang hitsura ko ngayon.

Tumango siya at tumalikod sa akin. Nakasandal ang bewang sa sandalan ng couch. Kitang kita ko ang likod niya dahil naka sweat pants lang siya ngayong umaga at halatang naligo na. Ang mga kamay ay nasa magkabilang bulsa ng sweat pants niya.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Uh, hindi ba masakit ang ulo mo?" Marahan kong tanong.

Umiling naman siya at pagkatapos ay lumingon sa akin. Tahimik akong napasinghap nang magtama ang mga mata namin.

"What time are you going home?"

Hindi kaagad ako nakasagot dahil hindi ko inaasahan ang tanong niya. Ang inaasahan ko ay mag uusap kami at mag e-explain siya sa akin tungkol sa paglalasing niya at kung bakit siya nagsinungaling na bukas pa siya uuwi.

Humapdi ang dibdib ko pero binigyan ko parin siya ng isang mapait na ngiti. His eyes are very cold and I am not used to it. Sanay ako sa palaging malamlam na pagtingin niya sa akin.

"U-uhm. Uuwi na ako. P-pasensya na at...n-nakatulog ako." Tumungo ako sabay dahan dahang tumayo at niligpit ang unan at kumot. Ilang beses akong kumurap upang wag lang tumulo ang mga luha ko.

Sinuklay ko lang ang aking buhok gamit ang kamay ko. At binalingan ulit siya. Nakaharap ako ngayon sa likod niya habang siya ay sa harap niya lang nakatingin na para bang nakikiramdam sa kilos ko.

"A-alis na ako. Uh, drink more water p-para di s-umakit ang ulo m-mo." I said and then swallowed the lump on my throat.

Hindi siya nagsalita at walang pakialam na tumango. Ni hindi man lang ako tiningnan kahit isang beses. Dahan dahan akong tumungo sa pintuan pero bago paman ako makalabas ay nilingon ko ulit siya.

"Zac." Tawag ko sa kanya. Akala ko ay hindi niya ako lilingunin. Pero ang lamig parin ng titig niya.

"I-if you're not busy t-tonight. P-please meet me at the park n-near our h-house." Ni hindi man lang siya sumagot na lalong nagpahapdi sa puso ko. Nginitian ko siya ng isang beses at dali daling lumabas. Doon na tumulo ang luha ko.

Bakit ganoon niya ako tratuhin? May kasalanan ba ako sa kanya? Sa pagkaka alala ko, siya naman itong hindi nagsabing uuwi at maglalasing.

Pinahid ko ang mga luha ko pagdating sa elevator at suminghap.

Sana ay pumunta siya mamayang gabi. Mamayang gabi ko na gagawin ang surprise ko para sa kanya at plano ko na siyang sagutin.

Sana talaga ay pumunta siya. Kahit matagal, hihintayin ko siya.

A woman's dream Where stories live. Discover now