Prologue

3.9K 81 3
                                    

Kerida, kabit, side chick at mistress.

Iilan lang iyan sa mga naririnig kong tawag sa mga babaeng pumapatol sa may karelasyon, lalo na sa may asawa.

Pero maituturing pa rin bang kabit iyong mga babaeng hindi alam na may karelasyon o kasal ang isang lalaki?

Ganoon pa man, iisa lang din ang tingin ng mga tao sa ganyang mga babae.

Kasi iniisip ng mga tao, may alam ka man o wala, pumatol ka parin..

Hindi nila alam na mas na agrabyado lang din yong mga babaeng pumatol sa may asawa dahil hindi nila alam.

Dahil bukod sa naloko na siya, nailagay pa niya ang sarili sa isang sitwasyon na hindi niya pinangarap.

Bumuntong hininga ako at sumimsim sa hawak na kopita na may lamang wine.

Hindi ako makatulog kaya't tumambay muna ako sa veranda at nagpaantok.

I closed my eyes and feel the cold breeze.

"Pumatol siya sa may asawa? "

"Anong klaseng babae siya?"

"Nakakahiya siya! "

"She is so disguting!"

Naibuka ko ang aking mga mata nang maalala ang iilan sa mga salitang natanggap ko noon.

I fell in love with a married man..

Do I have an Idea that he is married? NO.

Did I ask him before? Yes.

But he said he is single. Turned out, may asawa pala siya at isang anak.

Nasa states pala ang pamilya nito at inilayo dahil sa gulo ng mundo niya bilang isang politiko.

Did I regret it? Of course! Very much!

Tinapos ko kaagad ang kung anong merong namagitan sa amin noong nalaman ko ang totoo.

Sino bang matinong babae ang kayang manira ng pamilya?

May ibang babaeng nasisikmura nila ang ginagawa nila ngunit hindi ako ganoong klaseng babae.

Pinalaki ako ng may moralidad ng aking mga magulang.

Am I trying to justify what I did? No!

Kasi alam kong mali ang nagawa ko ngunit alam ko rin sa sarili ko na malinis ang konsensya ko.

Nasasaktan ako kasi pati mga magulang ko na walang ginawa kundi mahalin ako ay nadamay sa gulong napasok ko.

Kahit saan ako magpunta, maging sa restaurant o sa mall pinagtitinginan ako.

Pati sa simbahan kahit kasama ko ang aking mga magulang pinag uusapan ako.

At alam kong kung nasasaktan ako ngayon, mas lalong nasasaktan ang pamilya ko sa sinapit ko.

Ni hindi na ako lumalabas basta basta dahil palagi akong dinudumog ng mga taga media makakuha lang ng statement ko.

Umabot pa sa punto na may ilang araw silang nagkampo sa labas ng subdivision namin makapanayam lang ako.

Pati mga kaibigan ko itinakwil na din ako. Isa nalang ang nanatii.

Kasi sa mga mata nila, nakakahiya ako. Na ang sama sama kong babae.

Umabot sa puntong sinanay ko ulit ang aking sarili na mag isa.

Minsan, gusto kong kwestyunin ang panginoon kung bakit ako nandito sa sitwasyon na ito. Kung bakit mas malaking epekto ang nangyari sa akin gayung nagmahal lang ako.

Ako ang niloko pero mas madali nilang napatawad ang nangloko hindi lang sa'kin kundi pati sa asawa nito.

They said everything happens for a reason pero minsan, gusto ko nalang malaman ang rason na iyon.

Bumuntong hininga ako ulit dahil nagsimula na namang bumigat ang aking dibdib.

After everything that has happened, there's one thing that I am, and will always be thankful for.

One thing that I did not ever regret in my whole life.

They can hurt me all they want but I won't care anymore.

I just want to live a normal life again.

Iyong matiwasay, iyong walang pangamba.

Tahimik kong pinapanood ang mga nagsasayawang dahon ng mga puno.

Ngunit napukaw ang aking pag iisip dahil sa iyak na galing sa isang maliit na boses.

"Mommy!"

A woman's dream Where stories live. Discover now