Chapter Ten

1.9K 44 6
                                    

Isang oras na ata akong nakatayo sa harap ng full body mirror ko. At pang ilang damit ko ma rin itong tina try ko ngayon.

I am agitated and nervous for tonight.

Hindi ako mapakali sa kaba at hindi ko alam kung bakit ako lubos na nag e-effort sa paghahanap ng maisusuot ngayon gabi, eh hindi ko naman kilala iyong bestfriend ni Zac.

Iyon na nga, hindi ko kilala kaya mas lalong gusto kong maging presentable tingnan at ayoko ring mapahiya si Zac.

Nag text siya kanina na sa Bar na pagma may-ari ng bestfriend nito gaganapin ang party. Literal na party.

Ano bang ine expect mo Oly? Iyong sa bahay lang tapos may party hat kayo?

Ito kasi ang unang labas ko nang ganito simula noong nangyari itong scandal noon at kinailangan kong lumayo.

Pagbalik ko na dito ay nag focus na ako sa business ko at sa pag aalaga sa anak ko.

Ni wala nga akong planong makipaglapit kahit kanino, mapa babae o lalaki man pero heto ako't pinauunalakan ang imbitasyon ng isang taong hindi ko pa ganoon katagal na nakilala.

I settled on wearing the nude thin strapped body hugging dress na siyang nagpa emphasize ng kurba niya sa katawan na parang hindi siya nanganak.

Tinali ko ang buhok ko in a bun style at hinayaan ang ilang pirasong nahuhulog.

I paired the dress with a three inchess nude block heels too. Matangkad naman na ako ngunit mas matangkad parin si Zac na tantiya ko ay nasa 6'3 ang height.

Hindi nagtagal ay naka receive ako ng message galing kay Zac. Nasa labas na daw siya. Nagpumilit kasi siyang sunduin ako, ang gusto ko sana ay magkita nalang kami doon sa club kung saan gaganapin ang party.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto dala ang purse ko.

Kasalukuyan nang natutulog ang anak ko at nakapag paalam na rin ako sa mga magulang ko kanina.

Hindi pa agad sila nakasagot sa akin dahil alam naman nilang hindi na ako lumalabas at hindi na ako nakikipaglapit kahit kanino matapos ang nangyari noon.

Sa huli, ngumiti sila sa akin na parang alam nila kung sino ang kasama ko kahit hindi ko naman sinabi...

Pagka labas ko ay nakita kong lumabas din si Zac at binuksan ang pinto sa passenger seat.

"Hi."

He said with a smile.

"You look beautiful tonight."

Dagdag niya pa. Kaya kahit kinakabahan ay ngumiti din ako pabalik sa kanya.

"Thanks. You look good too."

Sabi ko habang pumasok na sa loob ng kotse niya.

"You're already beautiful. You're just extra beautiful tonight."

Pahabol niyang sabi bago sinarado ang pinto bago umikot papuntang driver seat.

Dahil sa kiliting naramdaman ay hindi ko kaagad nasagot ang sinabi niya kanina.

"Don't be nervous. Mabait ang mga kaibigan ko. And hindi kita pababayaan doon."

Sabi niya habang nagda drive.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti bago yumuko.

"Nahihiya lang ako. Ngayon lang kasi ako nakalabas ulit."

Sabi ko sabay tingin sa kanya. Sumulyap din siya sa akin sandali bago ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Don't worry. If you feel like you are not comfortable, please tell me. If you wanna go home, sabihin mo rin sa'kin. Okay?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Your family has a family business, hindi ka ba mahilig sa business or gusto mo lang magtayo ng sarili mo?"

Tanong niya habang nasa byahe. Mas okay na rin siguro na makapag usap kami nang maging komportable kami.

"Gusto kong magkaroon ng sarili kong business. Iyong sa akin talaga at hindi sa family namin."

Sagot ko sakanya. Dati pa man ay madami na akong naririnig na kesyo privileged daw ako dahil sa family business namin. Hindi naman sa gusto kong patunayan ang sarili ko sa ibang tao. Sadyang gusto ko lang magkaroon ng matatawag kong akin. Wala akong pakialam sa opinyon nila.

Nag usap pa kami tungkol sa business ng pamilya nila.

"I am the eldest so it's a lot of pressure. But that's okay, like you, I enjoy what I do."

"How does it feel to have siblings? Nag iisa lang kasi ako."

Curious kong tanong sa kanya.

"It's fun but most of the time, annoying. I have 2 youngest brothers and thank God we don't have a sister. Mahihirapan lang siya sa amin."

"Bakit naman?"

Tanong ko sa kanya habang tinitingnan siyang nagda drive. His veins are very visible and distracting but sexy.

"Alam ko magiging strikto lang ako. Siguro hindi siya pwedeng mag boyfriend kung hindi pa siya tumutungtong ng trenta."

Sabi niya na nakapag pahalakhak sa akin. Tumawa din siya kasabay ko.

Ang dami ko pang nalalaman tungkol sa kanya at sa mga kapatid niya.

Sinabihan ko rin siya tungkol sa bestfriend ko na naging kapatid ko na rin.

Habang tumatagal ay nagugustuhan ko na ang pag uusap namin dahil nagiging palagay na ang loob ko sa kanya. Pero iyong kiliti sa sikmura at mga nagliliparang paru-paro ay nandoon parin.

Tingin ko ay hindi na ma mawawala ang mga iyon. Impossible.

Kaya hinayaan ko nalang. Ang kinailangan ko lang gawin ay iyong hindi niya mahahalatang may nararamdaman akong ganoon.

Maya maya ay narating na namin ang club ng bestfriend niya.

Una siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.

Malakas na ang tugtog sa loob at dinig iyon kahit papasok pa lang kami. Iginiya niya ako sa table ng mga kaibigan niya. Ang kakiwang kamay niya ay nasa ibabang bahagi ng likod ko na siyang nagdalawanng kuryente sa katawan ko.

"Careful."

Bulong niya sa akin dahil muntik na akong mabangga.

Pagkarating namin sa mesa ng mga kaibigan niya ay kaagad niya akong ipinakilala sa kanila.

"This is Oly."

Si Jeff na bestfriend niya at iyong may birthday ay kaagad ko ring binati.

"I know you."

Sabi ng isang babaeng katabi ng isang kaibigan ni Zac.

Kaagad akong kinabahan sa sinabi niya.

"You're the owner of Persephone's, right?"

Nakahinga ako nang maluwag sa tanong niya. Akala ko ay konektado na naman sa issue dati kaya't hindi kaagad ako nakasagot.

"Yes. Yes, I am."

Sagot ko sabay bigay ng maliit na ngiti.

Pinaupo na ako ni Zac sa tabi niya at tinanong niya ako kung anong gusto kong inumin.

Habang tumatagal ay nagiging komportable na rin ako sa mga kaibigan niya na masasaya palang kausap. Ang braso naman ni Zac ay nasa sandalan ko na. And I don't mind.

Mukhang hindi ko naman pagsisisihan ang pagpunta ngayong gabi.

"Oh, so the mistress is here!"

Or so I thought.


A woman's dream Where stories live. Discover now