Chapter Six

2.3K 55 3
                                    

Ilang araw ang lumipas at hindi na nagkrus ang landas namin ni Zacreus. Which is good because I realized that I don't really want to involve myself with him. Lalo pa at kilala ako ni Katya.

At isang beses ko palang nakasalamuha si Katya pero tingin ko ay siya iyong tipo ng babae na hindi mahihiyang ipahiya ang sarili niya sa maraming tao.

Iyong engkwentro nga lang noong nakaraan sa restaurant ay wala siyang pakialam kahit na nakakakuha siya ng atensyon. Mas lalo lang siyang ginanahan.

And I also realized that I have this fear after that scandal.

Iyong takot kong makisalamuha sa mga lalaki sa takot na baka magsisinungaling lang din sila sa akin at maulit na naman ang nangyari noon.

Hindi naman ako tanga, sadyang marami lang sinungaling ang mundo. At sana iisa-isahin na sila ni lord. Kidding aside.

Wala na din naman sa isip ko ang maikasal. Kontento na ako kay Persephone. Higit pa sa kontento ang nararamdaman ko simula nang maipanganak ko siya.

Pero hindi naman ako magsasalita ng tapos dahil alam ko namang may plano si lord. Kahit gaano ka sakit ang nangyari sa akin noon ay naniniwala parin akong hindi niya ako pababayaan lalo pa't nalampasan ko ang binigay niyang pagsubok.

Kasalukuyan akong nasa opisina ngayon at hinihintay si Persephone kasi gusto niyang dito kumain ng dinner kasama ako kaya pagka galing sa school, de-derecho na sila ni yaya fely dito.

Naibaba ko ang papeles na binasa dahil sa isang katok.

"Come in."

Dumungaw si Felize, iyong isa ko pang watress na working student rin kagaya ni Arya bago tuluyang pumasok pero nanatili sa may pintuan.

"Hi, ma'am. Pasensya na po sa istorbo pero may naghahanap po sa inyo sa labas."

"May I know who?"

"Uh, Zacreus daw po ang pangalan niya ma'am."

Napatigil ako pagkatapos marinig ang pangalang binanggit niya.

"Did he tell you why he is looking for me?"

"Hindi po ma'am eh, tatanungin ko na lang po."

Akmang lalabas na siya ngunit bago paman mangyari iyon ay napigilan ko na siya.

"No, that's okay. I'll go out and see him."

"Sige po ma'am."

"Thank you, Felize."

Nginitian ko siya matapos magpasalamat. Tumango siya bago tuluyang lumabas.

Bumuntong hininga ako bago tumayo.

Heto na naman at nagsisimula na namang kumabog ang aking dibdib simula pa noong marinig ko ang kanyang pangalan.

This is insane!

Maybe, I am just not used to his presence kaya ako nakakaramdam ng ganito.

Inayos ko pa ang suot ko at huminga ng malalim bago lumabas ng opisina.

I saw him sitting in a table for two.

Medyo nasa sulok iyon at hindi masyadong kita sa labas at nagpapasalamat akong doon siya umupo dahil ayokong makakuha ng atensyon sa ibang customers.

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya makita na papunta sa kanya.

Ngunit hindi ko pa narating ang mesang kinaroroonan niya ay bigla siyang bumaling sa direksyon ko.

I secretly gasped when our eyes met.

He smiled a little and stood up to pull the chair in front of him for me.

A woman's dream Where stories live. Discover now