Chapter Twenty Eight

1.8K 54 3
                                    

"Alam mo naman na kung paano kami nagkakakilala dahil sinabi mong nakilala mo rin ako sa panahong iyon. At alam kong alam mo na ang kinalalabasan ng pagkakilala namin."

Paunang sabi ko. Magkatabi na kaming nakaupo ngayon imbis na magkaharap. Kalmado na ako ngunit na doon parin pait at lungkot. Simula kanina ay hindi na niya pinakawalan ang aking kamay na hawak hawak niya ngayon. Tahimik lang siyang nakikinig sa akin.

"Naging magkarelasyon kami nang patago. Iyon pala ay may asawa na siya." Ngumiti ako ng mapait. "Noong una akala ko ay dahil lang iyon sa isa siyang kilalang tao at gusto lang niyang pribado ang relasyon namin. Kung hindi pa tumawag ang asawa niya ay hindi ko pa malalaman ang totoo." Huminga ako ng malalim.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Wala na ang bigat at sakit na nararamdaman ko sa tuwing iniisip ko ang nangyari noon. Hindi parin siya nagsasalita at tahimik na nakikinig sa akin habang pinaglalaruan ang aking mga kamay. Ako naman ay nasa harapan lang ang tingin. Nasa pagkain na hindi namin nagalaw dahil sa pag uusap. Pasensya na Kuya Joe.

"Nagbuntis akong mag isa dahil kinailangan kong lumayo. Umabot kasi sa punto na hina harass na ng mga tao ang mga magulang ko makakuha lang ng impormasyon tungkol sa nangyari sa akin. Akala ko nga hindi ko kaya eh. Sa tuwing may makakakilala sa akin ay kaagad nila akong tinatawag na kabit."

"You are not a mistress." Sabi niya sabay tingin sa akin.

Ngumiti ako ng mapait sa sinabi niya.

"I know. Kaya kahit ganoon ang nangyari ay malinis ang konsensya ko. I'm just sorry dahil nasira ko ang pamilya nila unintentionally. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan dahil nagmahal lang din ako. I realized that I should not blame myself for the things that I lack of knowledge about and that I don't have to explain myself to other people."

"That's right. They can think whatever the fuck they want but you don't owe them anything." Tahimik na sabi niya. Ang mga mata ay nanatili sa akin.

Naramdaman kong pinisil niya ang aking kamay na hawak niya kung kaya't napatingin ako doon. Hindi kaagad ako nagsalita dahil ninanamnam ko ang katahimikan. Ngunit nakakabingi iyon kaya't nagsalita ulit ako.

"Nakipagkita ako sa kanya kasi gusto kong malaman niya ang tungkol kay Persephone." Ibinalik ko ang tingin sa harapan ngunit ramdam ko parin ang titig niya sa akin.

Bayolente siyang bumuntong hininga at ngayon ay dalawang kamay na niya ang humawak sa kamay ko.

"I'm really sorry, baby. I was out of my mind when Katya told me about it. And it got worst when she showed me a picture because I did not believe her."

"And you believed her because of that proof?"

Umiling iling siya sa tanong ko.

"He's...he's your ex. I know despite the worst situation that he put you through, I know you loved him." Sabi niya sa mababang boses.

"Loved. Past tense, Zac. Ikaw na rin ang may sabi."

"I know.." He said in a whisper. "I'm sorry for being stupid."

Umiling ako at ngumit sa kanya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Ni minsan hindi ako nagbigay ng assurance sa kanya kaya normal lang na makaramdam siya ng ganoon.

"Ang sabi niya ay divorced na sila ng kanyang asawa. At na...gusto niyang makipagbalikan sa akin." He looked at me in a snapped. He looked alarmed with what I said. Ngunit nagpatuloy lang ako.

"Ngunit ang sabi niya ay ayaw na niya ng isa pang anak. At na ang gusto niya lang ay ako.." nagsimula na namang uminit ang mga mata ko.

"That will not happen. I will not let him take you away from me. Except if you are going to be the one who will ask me to let you go." Sabi niya. Ang mga panga ay umiigting sa galit.

Hinarap ko siya.

"Ang sabi ko hindi na iyon maari dahil...may iba nang nagma may-ari ng puso ko."

Unti unting nawala ang galit sa mukha niya at napalitan iyon kaba, pag asa at saya. Kinagat ko ang aking mga labi at dahan dahang hinawakan ang mukha niya.

"Mahal kita."

Hindi kaagad siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Napatulala lang siya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Maya maya ay parang natauhan siya at ganoon nalang kahigpit ang yakap niya sa akin.

"I love you, mommy. So much. I love you and Persephone." Hinawakan niya ang magkabilang mukha ko at inilagay ang noo niya sa noo ko. Sobrang lapit ng mukha namin kaya naaamoy ko ang hininga niya. Amoy mint.

"Kawalan niya kung ayaw niya kay princess. She does not need a father like him. I love you so much that I am willing to be my princess' daddy."

Kumabog sa saya ang dibdib ko at napaluha ako sa kung paano ka madamdamin niya iyong sinabi. He slowly kissed me on my lips and I answered it with a kiss that's full of love.

He slowly let go of my lips and wiped the tears on my face and then kissed me on my nose.

"I know this is too early but I don't have a plan of going out of your life. I am so sure of you that I want to be part of your life. Of princess' life. "

Alam ko naman iyon at ramdam ko na iyon noon pa.

"I'll help you talk to her. I want to be there when she cries so I can hold her. You don't know how much I love you both." He said that firmly and I know that It came from his heart. That is his truth.

"Okay." I said in a soft voice and then gave him a smack kiss on his lips that made him smile.

"Does this mean that I am your boyfriend now?" Tanong niya habang iniipit ang mga takas kong buhok sa magkabilang tenga ko.

I nodded with a smile.

"Say it, mommy."

"Yes, you're my boyfriend now."

At sabay kaming napangiti sa isa't isa. Magaan na ang pakiramdam ko ngayon.

Kung gaano kabigat ang nangyari sa akin noon ay siya namang saya simula noong dumating ang anak ko. Nadagdagan pa ni Zach.

Kapag marunong kang maghintay...hindi ka bibiguin ng panginoon.

A woman's dream Where stories live. Discover now