Chapter 1

1.6K 52 3
                                    

AVILAH

PABAGSAK kong sinara ang pinto at dumertso sa aking kama, rinig ko ang ingay mula sa baba. Mga boses nila Kuya at ni Dad, paniguradong ako na naman ang pinag-uusapan.

"Avi, anak ayos ka lang ba?" tanong ni Mommy sa akin.

Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik, napahawak ako sa aking ulo dahil ramdam ko ang sakit mula sa anit ko. Nag-away na naman kami ng pinsan kong pinaglihi sa sama ng loob, hindi ko naman inaasahan na sabunot ang aabutin ko. Akala ko kase magkakablack-eye ako, pero iba pala ang gagawin niya sa akin.

Mom, obvious hindi ako okay.

"Kingina, ang sakit." daing ko at tiningan ang sarili sa salamin.

Gusot ang uniporme na aking suot, hawak din ako ni Jaren kanina kaya malamang talagang mukha akong ewan ngayon. Mas nakakahiya tuloy pumasok nextweek, bakit ba kase sa loob pa kami ng school nag-away. Ending, pareho kaming suspended ng isang linggo.

Putangina mo talaga Jaren, nextweek ka sa akin!

"Mom, I'm okay. Malayo sa puso!" sigaw na sagot ko at pumasok sa banyo.

Sinimulan kong linisin ang aking sarili, alam kong iba na ang amoy ko. Siguro kaya galit na galit sa akin si Mrs.Principal, dahil amoy na amoy niya ako kaninang inaawat niya kami. Hindi naman na bago sa akin ang mapatawag ang parents, pero ang pagiging suspended first time ko.

Pagkatapos ko maglinis ay agad akong nabihis ng pantulog, bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga maid namin.

"Kakain na ho." sabi nito at yumuko bago lumabas sa aking kwarto.

Napailing na lang ako, kakain daw pero ang totoo sesermonan lang naman ako pagdating doon. Napagdesisyunan ko na bumama agad, pagdating ko ay nakita ko silang lahat at mukhang ako na lang ang hinihintay.

Nang makaupo ako ay agad na nagtama ang tingin namin ni Kuya Laze, masama ang tingin nito sa akin. Halatang galit, sorry bro pero epal kase 'yang pinsan natin.

"Kailangan mong lumipat ng ibang section, Avi." si Dad.

Tumango ako."I'm okay with that, hindi ko keri na makasama si Jaren." sagot ko at narinig ko naman ang mahinang saway nila Kuya.

"Kailan kaba titino?" tanong ni Dad."Hindi mo ba kaya na hindi makipag-away?"

"Dad, si Jaren—"

Naputol ang sasabihin ko."—Oh come on, Avi! Kahit hindi ang pinsan mo, akala mo ba hindi ko nababalitaan ang nagyayari sa school mo? Kahit sino inaaway mo!" tumaas ang boses nito kaya pati sila Mom ay napatigil na sa pagkain.

Nagsalubog ang dalawang kilay ko."Wow! Dad, bakit parang kasalanan ko?" hindi ko rin mapigilan magtaas ng boses.

"Ikaw naman talaga! Sino pa ba ang sisisihin, hindi ba't ikaw?" singit ni Kuya Laze kaya napatingin kaming lahat sa kanya."Sa lahat ng gulo sa school niyo, hindi nawawala ang pangalan mo, Avi. Lagi kang involve sa mga issues, so kasalanan mo."

Natahimik ako sa sinabi ni Kuya, totoo iyon kahit saang gulo nandon ako at hindi mawawala. Pero hindi ko tanggap na nasa akin ang sisi ng lahat, ako ba ang nagsimula?

"So, niyaya niyo lang ba ako kumain para rito?"

Muli akong nagsalita at padabog na tumayo, isa-isa ko silang tiningnan lahat.

"Parte ba ako ng pamilyang 'to? Bakit kasalan ko lahat huh? Ako ba ang ang nagsimula, Dad? Alam niyo ba lahat o base lang sa narinig niyo!?" sigaw ko at sarcastic na natawa."Ayan kayo eh, lakas niyo manermon pero pag papakinggan ang sides ko waley kayo."

Avilah And The Worst Section [EDITING]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum