Chapter 12

22 1 1
                                    

AVILAH

MALAKAS na tawanan ang pumuno sa buong mansyon. Kita ko kung paano nahulog si Kyolo at Jax sa kanilang inuupuan, mula sa aking pwesto kita ko kung paano kami pinagtatawanan ng aming kaklase.

"So annoying." rinig kong bulong ni Jaren sa gilid ko.

True. Imbes na sila ang gusto kong saktan, parang gusto ng kamao ko si Elijah eh.

"Okay, ganyan ang posisyon n'yo kapag nag play tayo ha?" napatango na lang kami sa sinasabi ni Kendrick na isa sa mga leader.

Mabilis kong inalis ang suot kong custome, rinig ko na bumubulong si Jack sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya. Wala itong emosyon at patuloy na bumubulong, konti na lang iisipin ko nagriritual s'ya. Naglakad ako pabalik sa aking upuan, sumalubong sa akin ang pang-aasar nila Kyolo.

"Ang cute cute." si Jax habang nakaturo sa amin.

Ibinaba ko ang aking custome sa aking upuan. Hinarap ko si Elijah.

"Ang malas ng kamay mo." sabi ko rito.

Napakamot ito sa kanyang ulo." Sorry na. Hindi ko naman ineexpect na yon ang msbubunot ko."

Isa lang naman kaming mga puno sa roleplay namin, sa dinami-dami ng pwedeng nabunot eto pa talaga. Sa loob ng isang linggo, puro practice at paggawa ng custome ang inatupag naman. Gusto ko nga magpakain, dahil bukod sa wala kaming mga project sa ibang subjects ay gumagawa ang lahat.

"Axcel, tubig mo oh."

Napatingin ako sa babaeng nag-abot ng tubig kay Axcel. Kinuha naman ng mokong ang tubig at uminom doon, pati tuloy ako ay nauhaw. Tayo sana ako para bumili nang may brasong pumigil, tiningnan ko kung sino ito.

Hawak ni Axcel ang kaliwang braso ko."Tubig?" offer nito sa hawak na binigay ni Hannah.

Umiling ako at hinigit ang aking braso." Huwag na. Kukuha na lang ako sa kusina." sabi ko at iniwan sila.

Dumeretso ako sa fridge at kumuha ng maiinom. Dito kami nag practice sa bahay nila Kyolo, hindi ko inexpect na malaki rin ang bahay nila at magarbo. Alam kaya ng magulang ni Kyolo na walang papel ang anak nila at mahilig mamburaot sa school? Nahiya naman yung 8 million painting na nakita ko sa sala nila, makakabili na ako ng  branded na gamit doon eh.

"Ayos ka lang?"

Napalingon ako kay Axcel na hindi ko namalayang sumunod pala. Wala na nag tubig sa kamay nito at mukhang sumunod lang para tanungi ako.

"Medyo. Nangangalay lang balikat ko." nagsalin ang tubig sa baso at uminom.

"Gusto mo muna ng break?" tanong ulit nito.

Umiling ako."No, kailangan natin ma-perfect 'to." tanggi ko at mahigpit na napahawak sa aking baso." Kailangan natin matalo ang ibang section." at sinulyapan ito.

Napasipol ito."Competitive." sabi niya.

Hinawi ko ang aking buhok."Talaga."

Bumalik kami sa sala at pinanood ang iba na magpractice. For our role play, nagpabunot si Sir sa mga leader ng magiging character at bubuo kami ng kwento na sila ang character. Mabuti na lang talaga at malawak ang imagination ng mga naging leader. Bukod kay Kendrick, leader din sila Eris at Ram.

Avilah And The Worst Section [EDITING]Where stories live. Discover now