Chapter 11

19 1 0
                                    

AVILAH

"YES! Thank you Papa G!" halos dasalan ko na ang card na binigay ni Kuya Luis sa akin. Hindi ako makapaniwala na darating ang time na ibibigay niya ito sa akin. Alam kong na-weweirduhan sa akin ang ibang estudyante sa hallway.

Sinamaan ko lang sila ng tingin, ngunit hindi nagtagal ay napatingin ako sa paligid dahil may kakaiba ako nararamdaman.

Baka si kamatayan?

"Uy Avi!" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si TJ.

"Oh?"

Nginitian ako nito." Balita ko bumalik na yung dating babae sa Section 10...?" hindi ko alam kung nagtatanong ba ito o binabalitaan ako eh.

Saglit akong naguluhan ngunit naalala ko si Hannah. Oo si Hannah, siya lang naman ang babae noon sa Section 10.

"So?" tanong ko rito.

Napahawak ito sa likod ng tainga at parang kinakabahan na tumingin sa akin."Aalis kaba sa Section 10?"

"At bakit naman ako aalis aber?" nailagay ko ang hawak kong card sa bulsa atsaka nameywang." Hindi porket nandyan na si Hannah, need ko ng umalis. Officially enrolled ako sa Section nila 'no." may inis sa boses ko.

Mula first floor ay napatingala ako sa third floor na maraming tao, kita rito na maraming nakikichismis sa classroom namin.

"G-ganoon ba? Sorry..." nahihiyang tumingin ito sa akin."Akala ko kasi eh... tsaka maraming section g-gusto ka sanang kunin." nagulat ako sa huli nitong sinabi.

Gusto akong kunin ng ibang section?

Umirap ako at nilagay ang kaunting takas ng buhok sa aking tainga." Pakisabi huwag na sila mag-abala. Sa Section 10 lang ako." at umalis na.

Dumeretso ako sa classroom kahit alam kong maraming mata ang nakatingin sa akin. Maganda ako pero masyado nilang pinapahalata. Hindi na ako nagulat bang makita si Jannah sa may pintuan, tuloy-tuloy lang akong pumasok at hindi pinansin ang mga bulungan ng ibang tao.

"Avi!" masayang bungad nila Kyolo at Jax sa akin.

Pinag-krus ko ang dalawa kong braso at tuloy-tuloy na naglakad. Hindi ko pinansin ang dalawa, pagka-upo ko alam ko na sinusundan nila ako ng tingin at nagtataka sa inasta ko. Napatingin ako kay Hannah na nasa unahan, nakatayo sa tabi niya si Kendrick at Henry.

Ano 'yan bodyguard?

"Oh, it's you!" nagulat ako nang lumapit si Hannah at itinuro ako."You were the one I was talking to last time. You're here too." tuwang-tuwa sabi nito.

Alanganin akong ngumiti."Hahahah yes, sorry hindi k-ko nasabi."

"Thanks god. Kasi puro lalaki sila, it's awkward naman kung puro lalaki kasama ko."

"Magkakilala na kayo?" biglang tanong ni Erol na lumapit.

Tumango ako."Yup, nung event don ko siya nakilala." ako ang sumagot.

Masayang humarap si Hannah kay Erol."Yes, I was right na kilala niya nga ako. She stared at me for a long time eh."

Peke akong natawa. Ateng need mo ba talaga i-kwento? Tsaka napatitig lang ako para maramdam if s'ya nga yung tinutukoy nila ah.

Avilah And The Worst Section [EDITING]Where stories live. Discover now