Chapter 4

2 0 0
                                    

Fleur's POV

Linggo na ngayon, walang pasok taos ngayon ko lang naalala yong pinapagawa ni Ampa.

Jusko, buti nalang naalala ko pa kasi kahapon buong araw lang akong nakahiga sa kama ko kasi feel na feel ko yong katamaran ko.

Ngayon ko lang naalala yong test papers kasi nakita ko yong envelope sa ibabaw ng study table ko, nakita ko rin yan kahapon tapos sabi ko mamaya ko nalang gagawin hahaha

Bumaba ako sa kama ko at naupo doon sa study table ko, uunahin kong eche-check yong test paper ko, syempre ako nagche-check kaya take the opportunity hahaha

Teka, hindi.... Uunahin ko yong kay Athena, tignan ko kung gaano kalaki score niya after niya akong okrayin noong biyernes.

Nilabas ko yong mga test papers sa envelope kasama nong answer key, hinanap ko yong kay Athena pagkatapos.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok saka bumukas ito.

"Fleur, may gusto ka bang kainin?" nakasilip sa pintuan na tanong ng kasambahay naming si Loida.

"Manang gusto ko ng prutas, burger, milktea  atsaka fries..."

Yung mukha ni Manang nabahiran ng pagkalito.

"Po? Anong milktea?"

Natawa ako. Hindi alam ni Manang yong milktea, palagi kong nakakalimutan na bibilhan ko siya para matikman niya.

"Oo Manang, milktea, tapos baka jowa na rin."

Napalingon si Manang sa likuran niya.

"Jowa ka diyan baka marinig ka ng Tatay mo."

Pati jowa, ayaw! Kaya patago akong nagrerebelde eh, ang daming bawal.

"Joke lang manang hahaha prutas nalang, kahit ano." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sige. Antayin mo saglit." sabi ni manang saka umalis at sinara yong pinto.

Kaka-grocery lang ata nila ulit ng prutas kasi nauubos agad dahil sa akin, gaya nga ng sabi ko ang lakas lakas ko kumain lately tapos sarap na sarap ako sa prutas.

Pinagpatuloy ko na yong ginagawa ko, cheneck ko yong test paper ni Athena at ang over score niya is 33/50.

Para sa akin high score na yong 33, pero ewan ko lang sa standards ng high score ni Ampa. Pano kaya ang score ko nito?

Hinanap ko agad yong test paper at chineck agad yon nang mahanap ko.

"Shhhhhhhhtttttt seryoso? Talaga? Sh*taaa!" di ko makapaniwalang reaksyon habang sinusulat yong overall score ko sa taas kanag bahagi ng test paper.

45/50.

Bakit 45? Langya! Hindi ako nag study bat 45? Hala! Teka hahahahha

Kinuha ko agad yong cellphone ko sa ibabaw ng kama ko, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero agad kong naisip na ipaalam kay Ampa na 45 yong score kahit hindi ako nag aaral hahahaha genius ata to! Haahahahah

Hinanap ko yong number ni Ampa sa inbox ko kasi hindi ko pa nga nase-save.

Ano ba ipapangalan ko sa kanya sa contacts ko?

May naisip ako hahahahha

Para akong sinapian habang tuwang tuwa na nagta-type  sa cellphone ko.

"Daddy." pigil tawa kong basa sa pinangalanan ko sa number ni Ampa sa contacts ko.

Save.

Matawagan nga si Daddy at ipagmayabang score ko hahaha

Tinawagan ko number ni Ampa at tatlong rings bago may sumagot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pregnant With My Professor's Child (Book 1)Where stories live. Discover now