Chapter 2

4 0 0
                                    

Fleur's POV:

Di ako makapaniwalang kilangan kong tiisin matapos ang whole semester para makalayo ako sa lalaking yon.

No, wala na akong planong sabihin sa kanya ang ipinagbubuntis ko, maybe not now? Hindi ko alam... Base sa naging reaksyon niy palang kahapon while we were talking about sa nangyari sa amin, he look disgusted na para bang ang laking kasalanan ng nangyari sa amin....

He told me na may nag utos sa akin tapos may kumalat na pictures namin at isinisisj niya sa akin? What the fck!?

Bakit ko yan gagawin sa sarili ko?

Galit na galit siya na may nangyari sa amin, how much more pag nalaman niyang nag bunga yong ginawa namin?

Kabanas. Now, kailangan ko harapin to ng mag-isa, ang alam ko lang ay kailangan ko to itago hanggang sa grumaduate ako.

"Boo!"

Muntik akong matumba sa gulat nang may biglang sumulpot sa harap ko, napahinto agad ako sa paglalakad.

"Aray! Aray! Joke lang eh! Aray!"

Hinampas-hampas ko siya ng malakas, kasi pano kung natumba nga ako kanina? Yung pagbubuntis ko, it wasn't planned o ginusto ko... It was an accident pero walang kasalanan ang bata, I need to take care of it.

"Bat ka kasi nanggugulat ha?"

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang hilahin niya ako ng mahina palapit sa kanya, inis akong napatingin sa kanya saka siya napaturo sa may harapan ko kaya napatingin ako doon.

"Tinitignan kita kanina pa, lutang ka maglakad, kung hindi kita ginulat baka nabunggo ka na sa posteng yan..." nakaturo pa rin sa posteng muntik ko na mabangga kanina buti nalang hinila niya ako.

Iniraan ko siya tapos hinampas ulit.

"Aray! Oh bakit?" hinampas niya yong braso niya na hinampas ko.

"Pwede naman kasi sabihin sa akin ng maayos diba? Kailangan manggulat?"

Inismidan niya ako.

Hindi obvious pero I'm talking with a friend right now, kaibigan ko simula high school palang, si Zach.

We're both majoring in Airline Operations pero magkaiba schedules ng ibang subjects namin kaya hindi kami magkasama minsan ever since nag college kami, pero kahit iba-iba schedules namin ay hinahanap ako ng gago na yan para lang bwis*tin ako, katulad ngayon.

"Kumain ka na ba?" tanong niya

"Wala akong gana." sagot ko pero sa totoo lang kumain na ako sa bahay bago nag punta sa University.

"Walang gana ka diyan, kailan ka pa nawalan ng gana sa pagkain? Jino-joke time mo ako."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Seryoso ako."

"Bat ang sungit mo ngayon? Meron ka ba?" natatawa niyang sabi.

Sana yon talaga ang dahilan kaya lang hindi T_T I've been having mood swing simula nang mabuntis ako, minsan matakaw ako, minsan wala akong ganang kumain.

Napatingin ako sa mukha ni Zach, ang sarap kagatin ng pisngi niya.

Naiinggit ako sa lalaking to, maputi siya tapos yong puti na makinis? Sa sobrang kinis ng balat niya parang porcelana, yong mukha niya ang kinis walang ka porce-porce... His pinkish cheeks and his natural rose-colored lips, mahahabang pilik mata, brown eyes pa tapos ang tangos sobra ng ilong, hindi lang yan... Pinagpala rin sa height... Kaya lang ang bobo minsan pero, ipaglihi ko kaya sa kanya magiging anak ko? Kahit kumukulo lagi ang dugo ko sa lalaking to, di ko naman maipagkakaila na maraming nagkakagusto sa kanya kasi he's both pretty and handsome...

Pregnant With My Professor's Child (Book 1)Where stories live. Discover now